[BLoOpErS]
KaLoKohan aT KatAtawAnan Ng mGa TaOng NakaPaliGid Sa AminSi ka-ofismate na observative, nauna pa
2007-06-19
Share ko lang sa inyo...Noong isang araw kumain kame sa hotpot... kasama ang mga ka-ofismate namin, super treat kase siya, kase birthday niya...
Heto na, describe ko lang sa inyo yung kinainan namin. Hindi kase pede sa loob (dahil siguro kase naka-ac, hehehe), so, dun kame sa may balcony (balcony nga ba ang tawag dun)... siyempre, ac sa loob, fresh air sa labas... may glass lang na naghahati... (glass window at glass door, nyahahha)...
Pagkatapos naming kumain, si ka-ofismate, sa hindi malamanag dahilan e hindi na makapasok dun sa side na may-ac... siya na lang kase ang naiwan dun sa kabilang side... e hindi niya ata natatandaan kung paano siya pumasok...
Yung pinto kase, tawagin nating left at right... yung right, naka-lock... e pagka-try nya ata ng dalawang beses, push at pull, at hindi bumukas, hindi na niya alam ang gagawin... nyahhahaha... kakatuwa pa naman ang itsura niya.... ayun... asar talo talaga siya... kase kung hindi pa pumunta sa kabilang side yung ibang mga customer, hindi niya pa alam kung saan siya dadaan, hehehehe...
wish ko lang gets niyo di ba... actually, mas mag-e-enjoy kayo kung nakita niyo ang itsura ni ofismate e, heheheheh... (peace tayo)
Heto na, pauwi na kame, siyempre, kuwentuhan, kuwentuhan sa sasakyan... napag-usapan namin si kaofismate2 na mag-isa lang sa sasakyan niya... kesyo naku, baka maligaw kase hindi pa siya masyadong sanay, blah blah blah.... comment ni ka-ofismate3... hindi pa naman 'OBSERVATIVE' si ofismate2.... nyhahahahhahaha.... meron bang ganung word???? hahahhahaha....
Noong matapos na kame sa pagtatawanan, ilang sandali pa, nakita namin si ofismate2... nauuna pa sa amin... huwaaaahhhhhh.... alam naman pala e... nilait pa... mga salbahe kase....
Naishare lang din naman... magandang araw... ingat. God bless!!!
1 Comments | Link to This | Back to top
Best Before, better before and good before
2007-06-13
May isang sis, alam niya na mahilig kase ako sa dark chocolate. at dahil merong nagbigay sa kanya, super share siya ng blessings niya...Eh eto palang si sis2, mahilig din sa black chocolate, hayun, imbes na walong packs ng chocolate ang mapunta sa akin, hinatian ko siya... dapat hating kapatid, lima sa akin, 3 sa kanya, e hindi siya pumayag, kaya ayun, nag-tig-apat kame.
Siyempre pa, dahil favorite ko nga ang black chocolate, inu-unti-unti ko siyang kainin... Unang araw, 1 lang ang baon ko.. pangalawang araw, 1 lang ulit...
Pagdating ko nung hapon, nakita ko, isa na lang ang natitira... aba at may kumain... pero sige, ok lang, hindi naman ako masyadong madamot, kase may isa pa rin namang natitira sa akin e, heheheh.. kaya ayos na lang...
Pagpasok ni sis2 sa kuwarto, hayan na, sabi niya, expired na daw yung chocolate...
Hala... super tingin naman sa expiration date... at napatunayan nga, nakalagay dun, best before (date).... sabi ko pa, ok lang, kahit expired, may three months pa naman, hehehehe. kaua lang nung binilang ko na, hala, super expired na siya...
Kinabukasan ng gabi, yun pa rin ang topic... kase si bro pala, kumain din... ayun, napag-usapan lang... best before nga daw... tapos kesyo kaya pala, blah blah blah....
Ang punchline... bakit may best before??? kapag natapos na ba yung best before, better before naman? tapos nung better before, good before ang kasunod??? so pede pa rin yung mga ganung expired na????
Bwahahhahahaha... ang kulit di ba.. naikuwento lang naman ^_^
1 Comments | Link to This | Back to top
Created with ShoutPost