Skip to: Site menu | Main content

Stories ng Unang Game sa Singles Weekend Retreat / Discovery Weekend

2007-07-21

At dahil nga meron kameng retreat na inattendan kahapon at nung huwebes, heto, nakadami din kame ng naipong bloopers.

Umpisahan natin nung nagpalaro sila. Ang game is hahanapin mo yung kapartner nung pangalan na mapupunta sa iyo. Halimbawa: tom and jerry; michael and madonna, yung mga ganun ba… heto ang mga nakakaaliw na eksena.

Sis1: Uy ang dali naman ng sa akin. Si Adam…
Me: bakit Adam? Sino ka ba?
Sis1: Si Eve. Di ba, Adam and Eve.
Me: (may halong inggit at hindi masyadong nakikinig sa rules ng game). Ano, paano yan, si Tom ako… E di si Jerry partner ko??? Ala, bakit parehong lalaki???

Huwaahh… ngok-ngeks.. inggitera ever.. hindi kaya brother at sister ang magkakapartner… asa ka pa na makakadiskarte ka ha, hahhahhaha..

Sis1: (mejo super hanap na siya ng kapartner niya) sino si ugly?
Me: ano ba yan, kahit ako yung nakakuha ng ugly, hindi ako aamin e…. teka lang.. ano ba nabunot mo?
Sis1: Coyote… (sabay alis at pinagpatuloy ang paghahanap)

Sis1: sino ba kapartner ni Ely?
Sis2: hanapin mo buendia…

Sis1: sino ba ang kay jackie?
Sis2: chan… hanapin mo si chan….

Sis1: uy, kilala mo ba kapartner ni tweety?
Me: huh.. sino nga ba…
(e may lumapit na sis2)
Sis2: sino nakuha mo.
Sis1: si tweety…
Sis2: tayo ang magkapartner…. Roadrunner ako e.
Me: (kinausap ang sarili) magkapartner ba si tweety saka si roadrunner?

Heto kuwento lang din sa akin, share ko sa inyo.. mejo hindi ko kase nasaksihan e, heheheh…

Sis1: sino nabunot mo?
Sis2: flower ako… hinahanap ko si vase.
Sis1: ano ka ba, tayo ang magkapartner… bee ako e…
Sis2: vase ang ang hinahanap ko ano ka ba.. ano yun? Flower bee?
Sis1: bahala ka nga ayaw mo maniwala.. mama sino kapartner ni bee? (code name lang din ung mama ha, hehehe)
Mama: hanapin mo si bumble…
Sis1: bumblebee???

Sis1: Bird nasaan ka?
Me: huh… bakit bird? Ano ba nabunot mo?
Sis1: Tweety….

Meron din daw isang eksena na ganito, bago pa man mag-start ang laro…

Sis1: uy, hindi ka na mahihirapan na hanapin ako… ayan na oh.. annie
Sis2: (sa sarili lang ata niya)… e wala naman si sis tweet dito a… ano kaya ito.. typo lang… (ang nakalagay sa papel: TWEETY)

Maya-maya as the game continues:

Sis1: sino ba kapartner ni Annie?
Sis2: kapartner ni Annie si Shaider… hahahha…

Hay naku po.. eniweis, para dun sa mga hindi nakasunod sa kuwento ko, heto po ang magkakapartner talaga.

Si Ely at Jackie ng Maging Sino Ka Man (tfc ito, hehehe)
Flower and Bee… ano ba magkapartner nga.. hindi naman compound words or whatever, hehhehe…
Si Coyote at si Roadrunner
Si Tweety at Sylvester…. (di ba nga.. .i thought I saw a pussycat, hehehe)

Yang kuwentong yan e sa games pa lang ha.. abangan ang iba pa.. baka hindi na ako ang magkuwento, hehehehe…

Truth or Truth

2007-07-17

Eto ang continuation ng kwentong Thursday Kasiyahan, Friday Kalokohan.

Thursday Kasiyahan, Friday Kalokohan!

2007-07-15

ORANGE MIRINIDA

Since dahil di nga kami prepared for the surprise, di na namin masyadong ipinagpatuloy ni Lei ang plano. Kaya ang labas, tamang inuman na lang at kwentuhan na lang ang napag-usapan at dahil "Tequila" ang iinomin, nagpabili si kaibigan kay isa pang kaibigan.

Kaibigan 1:        Kaibigan 2! Nasan ka na?

Kaibigan 2:        Nandito na ako sa may Islamic Bank. Bakit?

Kaibigan 1:        Ah ganon ba? Magpapabili sana ako sayo eh.

Kaibigan 2:        Nang ano?

Kaibigan 1:        Nang keso, orange at yelo.

Kaibigan 2:        Ah.. Pano un?

Kaibigan 1:        Don ka na lang bumili kay my friend.

Kaibigan 2:        O sige, pero tingnan ko kung kasya pera ko.

Kaibigan 1:        Order ka nalang don, tapos padeliver na lang dito sa bahay.

Kaibigan 2:        Ano nga ulit ung bibilhin?

Kaibigan 1:        Keso, yelo, orange

Kaibigan 2:        Eh coke kaibigan?

Kaibigan 1:        Eh mag-ju-juice na lang daw pero ikaw bahala ka, kung gusto nyo

Kaibigan 2:        O sige daan ako

Kaibigan 1:        Mahalaga ung keso don ha

Kaibigan 2:        oo

Dumating si Kaibigan 2 sa bahay pero keso lang ang hinanap ni Kaibigan 1 dahil mamaya pa naman gagamitin ang ibang pinabili. Nang dumating na ang tamang oras, hinanap ni Kaibigan 3 ang pinabili ni Kaibigan 1.

Kaibigan 3:        Kaibigan 1, nakabili ba ng orange?

Kaibigan 1:        Oo, nagpabili na ako kay Kaibigan 2.

Kaibigan 2:        Kaibigan 1, eto ung orange na pinabili mo

Nang makita ni kaibigan 1 ang pinabili na orange, humalakhak ito ng malakas!

Kaibigan 1:        Bakit yan ang binili mo?

Kaibigan 2:        Sabi mo orange?

Kaibigan 1:        Oo nga orange. Orange na prutas hindi mirinda orange! Di ko naman sinabing mirinda orange o softdrink ang bilhin mo eh, kaya nga orange ang sinabi ko.. (at patuloy pa rin sa paghalakhak)

Sabi nga ni kaibigan 4, kasalanan din daw ni kaibigan 1 kasi di daw nililinaw. Wahehehe.. pasaway!! :D Kailangan pala pagnagpabili ulit kay kaibigan 2 sasabihin mo kung kinakain ba ito o iniinom o ginagamit sa kung saan saan. Hehehe...

  

- ANG IKOT SA KANAN -

Dahil isa lang ang nahanda naming laro, nag-isip si kaibigan 1 kung anong pedeng pagkaabalahan ng housemates!

Kaibigan 3:        Kaibigan 1, isip ka naman nang pwede nating pagkalibangan.

Kaibigan 1:        O sige. (nag-isip). Eto, masyado itong bago kaya walang nakakaalam nito.

Ang lahat nakatingin kay Kaibigan 1.

Kaibigan 1:        Ang getting to know each other.

Lahat nagreact! Samut saring reaction ang naririnig sa paligid.

Kaibigan 1:        Pero hindi tayo ang magpapakilala. Example, si Bro E, since nasa kanan nya si Kaibigan 2, sasabihin nya ung first impression nya kay Kaibigan 2, tapos sasabihin nya kung totoo nga un o hindi.

Bro D:               So, pagkakataon na pala naming mang-okray nyan!

Kaibigan 1:        Oo. Pero bago tayo magsimula, ito'y pawing katuwaan lang ha, walang pikunan. Since ikaw ang unang tumagay Bro E, ikaw ang unang nakasalang.

Bro E:               Pede bang si Bro A na ang magsimula?

Bro A:               Sayo nga daw magsisimula eh.

Kaibigan 1:        Ok sige pakaliwa na lang tayo, Bro E, anong first impression mo kay Bro A?

Kaibigan 2:         Kaibigan! Ayoko ng pakaliwa!

Lahat nagtawanan kasi ba naman si Bro D ang mang-ookray kay Kaibigan 2 kaya natatakot si Kaibigan 2 na ma-okray ni Bro D.

Kaibigan 1:        Ano ba? Magsisimula ba tayo o magsisimula? Sige na Bro E, simulan mo na.

Bro E:               (Magsasalita na ng may nagtanong kung sa anong direksyon iikot ang laro)

Kaibigan 3:        (naiinip na ata!) Ano ba! Ayan na nga eh, magsasalita na nga eh. Sinabi na ngang pa-kanan eh, nakikinig ba kayo? Sige na Bro E okrayin mo na si Bro A.

Huh?? Ano daw??? Bakit si Bro A ang ookrayin ni Bro E, eh si Kaibigan 2 ang nasa kanan ni Bro E. Waaahahaha!!! Wala ring sense of direction ito! Masyado kasing nagdididikit eh kaya nagkakahawaan!! Wahahehehe..

  

  

-|- SI MODESH -|-

Kinabukasan, Friday, namasyal sa Citicenter ang dalawang magkasintahan. Habang naglalakad sa kahabaan ng Citicenter ang dalawa, nakita ni babae si Modesh!

Babae:  Ay!!! May modesh na stuff toy. Eeww! Ang pangit pala ni modesh pag stuff toy.

Lalake: (nagtataka dahil kapag nakakakita ng stuff toy na modesh si babae, eh cute na cute ito   at giliw na giliw na parang bata, kaya nang marinig nya iyo, eh di sya makapaniwala.)

Babae:  Tingnan mo o! Para syang natipus!

Lalake: (Tumingin sa tinuro ni Babae, sabay tawa at sabi ng..) Stuff Stoy ha??? Mascot kaya yan!

Toink!!! Kakahiya!!! Kagandang babae, nagkamali ng sinabi! Ahihihi..

Eto na lang muna ang ibabahagi ko kasi eto lang ung mga pangyayaring natatandaan ko noong mga panahon na iyon. Ang ibang kaganapan ay ipagpapatuloy na lang ng aking pakner kaya inyong antabayanan.

Matawa ka kaya?!?!

2007-07-04

Matagal tagal na rin akong hindi nakakapag-kwento ng kalokohan sa blog na ito. Karamihan kasi ng kakatawang naganap sa buhay ko ngayon, eh baka hindi kayo maka-relate dahil sa madalas sa mundo ng kakabalaghan nangyayari ang lahat ng ito. Gayun pa man, ikwe-kwento ko pa rin kasi malay nyo, maka-relate kayo. (Mahaba-haba poi to, so please bear with me..)

Ang Here I am to Worship na I Give My All..

Noong isang araw, naimbitahan akong kumanta pra sa Tongues Workshop ng Chapter 3 na ginanap sa Lotus Hotel.

Bago magsimula, inanyayahan ang lahat ng Facilitators na kumanta kasabay ng Music Ministry. Okay Fine.. Kanta, kanta, kanta!!! Hanggang sa i-announce ni Bro. ang susunod na kakantahin, ang "Here I am to Worship".

Nang sinimulan ni Bro. ang pagtugtog at papasok na ang music min sa pagkanta, may 2 Facilitator na nanguna at sadyang napakalakas ng boses! Natigil ang lahat at napatingin sa kanila. Kahit nga si Bro. na tumutugtog nagulat rin at naguluhan dahil baka mali ang kanyang tinutugtog.

Imaginin nyo na lang na ang simulang lyrics ng kanta na HERE I AM TO WORSHIP eh "Light of the world, You stepped down into darkness" ay naging "Bless my life, take away the shame" na simulang lyrics ng I GIVE MY ALL. At isipin nyo rin na ung dalawang sis na pasaway eh malakas nilang kinanta ung maling kanta with feelings pa un ha take note! Kaya ang lahat ng tao na nasa loob ng kwartong iyon, iisa ang mga naging reaction.

Ang kwento sa likod ng kwentong Here I am to Worship na I Give My All

Dahil nga inanyayahan naming kumanta ang mga Facilitators ng gabing iyon, ang tatlong sisters ay naging feel na feel ang pagkanta. Sis 1 ay nagsesecond voice para kay Sis 2 na kinainggitan ni Sis 3, which is si Sis 3 ay isa ring music min member noon.

Sis 3:    Ako din, magsesecond voice!

Sis 1:    O cge mamaya, dalawa tayo.

Bro: (Nag-aanounce ng kakantahin)

Sis 3:    Ano ung Here I am to Worship?

Sis 1:    Hindi ko alam. Pakinggan na lang natin ung tugtog.

Bro: (Sinimulan na ang pagtugtog)

Sis 1:    Ang yan yun Bless my life.

Sis 3:    Ahh.. oo nga alam ko un hindi ko lang alam ung title.

Kaya nung papasok na sa pagkanta ang music min, ang dalawang sis, ayun, kinanta ng buong puso ang maling kanta... Foot in mouth  **toink**

 LAST DAY

Magkasabay na pumasok ang dalawang magkasambahay, si Sis E at si Sis J. Habang naglalakad, nagkwekwentuhan ang dalawa nang biglang magtanong si Sis J kay Sis E.

Sis J:    Sis E, naalala mo ba ung kinukwento kong kasamahan ko sa trabaho na nauna lang sa akin ng 2 weeks at nagpunta na sya sa spain?

Sis E:    Hindi ko matandaan. Bakit?

Sis J:    Kasi bago umalis un na-confine ung tatay nya. Sabi ko nga sa kanya dapat wag na sya malis kasi nga nasa ospital ung tatay nya.

Sis E:    (Nakikinig)

Sis J:    Alam mo ba nung last day namatay ung tatay nya.

Sis E:    Ai ganon? Tumuloy pa rin sya?

Sis J:    Oo nga di ba nasa Spain sya ngayon, ayaw nga syang pauwiin ng ate nya eh. Kawawa ga kasi mugto ang mata.

Sis E:    (Naguguluhan) Ha? Bakit naman?

Sis J:    Kasi nga namatay ung tatay nya nung last day.

Sis E:    Anong last day?

Sis J:    Nung last day namatay ung tatay nya. Nag-email kasi sa akin kaibigan ko kahapon, yun nga namatay daw yung tatay nya nung isang araw.

Sis E:    (Hindi nakapagpigil) Anong last day?!? The other day! Ano ka ba?!

Sis J:    Last day un!

Sis E:    The other day nga yun! Bahala ka nga!

Matapos ang pagkorek ni Sis E, Sis J - hindi na nagsalita. Nahiya na ata kay Sis E dahil sa pagkorek nya. Hehehe. (Bad Sis E, Bad! Tongue out)

Last Day, Last Night

Dahil sa nakokonsensya si Sis E, naisipan nyang tawagan ang isa sa mga malapit nyang kaibigan para magtanong kung salbahe nga sya sa ginawa nya kay Sis J.

Sis E:    Sis G, may tatanong ako!

Sis G:   Ano un?

Sis E:    Salbahe ba ako?

Sis G:   (hindi sumagot)

Sis E:    uy!

Sis G:   Sige nakikinig ako!

Sis E:    Wala ka kasing ka-rea-reaction eh.

Sis G:   Dapat ba may reaction na agad?

** Kulitz ** syempre, si Sis E, nagkwento na.. Natapos ang kwento, nagreact na si Sis G.

Sis G:   Last day... kung may last night, iisipin mo ung last day is yesterday.

Sis E:    Pero hindi naman natin ginagamit ang last day as yesterday eh. Kung kahapon un, dapat ang ginamit nya yesterday. Kaso kahit na yesterday un mali pa rin eh. Isa pa, nung isang araw pa un nangyari, kaya dapat the other day.

Sis G:   Oo nga. Mali nga ung sinabi nya! Ewan ko ba! Kasi di  ba pag sinabi mong last night, kagabi un? Eh bakit pag last day, huling araw? Ang labo?! May last night pero walang last day!

Igaya daw ba sa Best, Better and Good??? Hehehe.. LaughingFoot in mouthTongue out

Created with ShoutPost