Skip to: Site menu | Main content

Credit Card? Free Toll? Gana - gana? o Ato Batay?

2007-02-27

CREDIT CARD 

Kagabi sa loob ng kwarto, pinag-uusapan kung anong pinakamagandang credit card na pwedeng gamitin.

Sis1: Sis! Di ba mashreq bank ung gamit mong credit card?

Sis2: Oo bakit?

Sis1: Classic ba ung sayo?

Sis2: Di ko alam. Ang alam ko lang WOW eh.

Bro1: Wow classic ung gamit mo. Bakit 'te?

Sis1: Magkano ba ang interest don?

Sis2: Depende kung naka-easy loan ka. 1 % lang.

Sis1: Ano un two years to pay?

Sis2: Hindi. Ikaw bahala kung ilang bwan mo lang gustong bayaran.

Sis1: Ganon?

Bro1: 2.5% yata kapag sa mashreq.

Sis3: Eh bakit? Mag-aapply ka ng credit card sa mashreq?

Sis1: Oo para makapag-apply ako ng credit card sa RAK Bank (sabay kwento ng kalokohang ginawa nya sa salary certificate - di ko na babanggitin).

Sis2: Ayos ha! Kala ko ba ayaw mo ng magcredit card kaya pinasara mo ung ABN mo.

Sis1: Dead Ma.

Sis1: Sabi nila, maganda din daw sa First Gulf Bank.

Sis2: Sabi nung kakilala ko, di na raw pwede kasi may yearly (huminto muna saglit kasi iniisip pa nya ung tamang term sabay sabi ng) annual fee.

Sis1: Yearly na Annual pa.

Sis2: Kinorek ko lang ung sasabihin ko ba kasi pagkatuwaan pa kaya nga huminto ako eh.

Sis1: Ah ganon ba, akala ko kasi parang ato batay din eh. Embarassed (pahiya)

FREE TOLL

Sa loob ng sasakyan...

Sis1: Ano ba 'to!?! Di ko makuha ung tamang numero!

Driver: Mag tanong ka sa 181!

Sis1: 1 dhs and 25 fils na nga lang load ko, tatawag pa ako sa 181! Ano un FREE TOLL!!! Yell

Best part ng kwento, ang tigas nya pang binitawan ang salitan"Free Toll". Tongue out

GANA - GANA

Sa loob ulit ng kwarto, nanumbalik ulit ang halayaan nang bumalik ang isa naming kasama. Sa kanya pagbalik, nagsimula na naman syang halayin ang paborito nyang hinahalay.

Sis1: (Habang nakayakap sa paborito halayin) Tingnan mo 'tong si Bro., gustong gusto.

Bro: (Nakikipagbiruan) Umalis ka nga jan! Tyan mo lang naman ang nararamdaman ko!

Sis1: Sus! Kunwari ka pa eh gana gana ka naman sa ginagawa ko (patuloy pa rin sa panghahalay, habang si bro ay tawa ng tawa).

Maya maya tumayo ang isa pang sis.

Sis1: Ate tingnan mo si Bro, gana gana sa ginagawa ko.

Sis2: Anong gana gana? Ganadong ganado!

Lahat ay nagtawanan.

Bro: Oo nga. Dapat ganadong ganado o ganang gana!

Sis1: Ai ganon ba? Ok. Am sorry. Wink

ATO BATAY

Sa loob pa rin ng kwarto! Nanonood ang mga housemate ng DVD.

Sis1: Bro, ano ung kinukuha ni lucifer kay constantine?

Si Bro, sumagot pero mahina.

Si Sis2, biglang sabat, "Ato Batay!".

Sis1 at Bro, nagkatinginan. Natawa ng bahagya.

Sis2 ulit: Sinabi ko ba ATo Batay?

Sis1 at Bro (sabay): Oo.

Sis2: Ganon? Hindi nga? Sasabihin ko kasi sana Bato Atay.

Bro: Ano ba yan! Nahahawa ka na don sa isang bro.

Sis1: Yan! Kakatrip mo sa kanila, nahahawa ka na!

Ano un? Hinabol ung B sa pangalawang salita para makumpleto ang unang salita? Ispeling ito! LaughingFoot in mouthTongue out

Welcome Blog!

2007-02-27

Ang blog na ito ay hango sa mga katatawang pangyayari na nagaganap sa mundo ng dalawang administrator.
hindi lang naman sa mundo natin, pati sa mundo ibang tao, lalabas ang pagiging chismosa di ba, nyahaha...

Kasama ang mga kontribusyon ng ibang mga tao na malalapit at pumapaligid sa mga administrator, naisipan ng dalawang gumawa ng sariling blog EXCLUSIVELY para sa mga katatawananan, kalokohan at kawalangyaan, at magkaroon ng sariling libro ng diksyunaryo!
as much as possible sana, sila lang di ba, wag tayo makikisali, kase baka malaman nila na minsn (madalas) meron din tayong moments, hehehe

Nawa'y mapasaya kayo ng blog na ito!
very well said. welcome po sa lahat...

Created with ShoutPost