[BLoOpErS]
KaLoKohan aT KatAtawAnan Ng mGa TaOng NakaPaliGid Sa AminHappy Birthday!!!
2007-03-26
Nung una kitang makilala, naaabot pa kita,
Tandang tanda ko pa noon, may ka-tandem ka pa!
Sabi mo nga noon, gusto mo may sariling identity ka na,
Hindi ung kapag tinanong kung sino ka eh ididikit sa pangalan ng iba.
Ngayon, eto ka na!
Di ka na mareach dahil nagka-identity ka na.
Tanungin mo ko kung sino ka,
Marami na akong isasagot na di na kailangan idikit sa pangalan ng iba!
Gaya ng...
"sya ung head ng mga projectionist!" (head??? Eh parang wala naman akong ibang nakikitang humahawak ng projector kundi ikaw lang at si thea ha. Madalas pa nga, ikaw lang
)
O kaya...
"Oo! Sya ung tabachingching don nasa harapan sa may bandang gitna o kaya sa gilid. Basta! Kung nasan ang projector nandon sya!"
Pwede ding...
"Sya yung laging taga-type ng lyrics ng kanta sa clp o kaya simbahan o kaya kahit saan basta lyrics!"
Pwede din namang...
"sya ung kakambal ng laptop ni del at ng projector ng sfc" ![]()
O kaya...
"sya ung may direct line kay Lord.."
at ang pinaka-malupit dito...
"sya ung "naka-igihan" ni bro. ano..." ![]()
Hehehe...
Pero minsan, di maiwasang maidikit ang pangalan mo kay Lilay, paran ganito...
"Ano ka, Julalay???" at "Pambansang Best Friend..."
At kahit madalas akong nagtatampo sayo dahil sa hindi ako malakas sayo, pero kapag ikaw ang lumapit sa akin eh nanginginig pa akong iniaabot sayo, sa hindi mo pagbati sa akin ng isang linggo, at pagtatago ng sikreto sa akin na kapag ako ang nasasabi sayo ng sikreto eh nauuna ka pang mamalita nito... eh mahal pa rin kita... nag-iisa ka lang kayang ganyan!
Una kong "anak-anakan"... Nag-iisanga "anak-ate"... at kahit napadaldal mo (at aminado ka naman!) ikaw pa rin ang unang takbuhan ko (nataasan mo pa si Lilay!).
Sa dami ng napagdaanan nating pagsubok sa buhay lalo na ikaw, sa bawat luhang nailalabas mo habang naglalakad ka sa kahabaan ng garhoud rd papunta ng citicenter, sa mga salitang nailalabas mo at naiihinga sa akin, at sa mga pangarap mong unti unti mong natutupad gaya ng picturan ka habang tumatawid sa pedestrial, masaya akong naging parte ka ng buhay ko at mananatiling kasa-kasama ko (kahit madalas may sarili ka ng mundo)...
At dahil sa hindi ka na makapag-hintay na ako ang bumati sayo ng kusa... tatapusin ko na ang blog ko nga...
Maligayang ika-labing walong kaarawan sayo Anak - Ate Gina!!!
(yun eh ayon sa sinabi mo... at it was 10 years ago... :D)
I love you po!!!
[ Back to top ]
Created with ShoutPost