Skip to: Site menu | Main content

sisters, brothers & sisters pa rin

2007-03-17

Dahil dumaan ang weekend, at dahil madami akong nakasalamuhang tao, heto ang aking mga nakalap na BLOOPERS!

1. Habang kumakain kame sa isang fastfood, siyempre, kuwentuhan, kuwentuhan. Heto ang banat ng isang sister: Pahingi naman ng garlic rings, nyahhahaha…. Pasaway… kase dati pa palang issue yun, ang kanyang “onion ring” e garlic ring, heheheh… ang kulit di ba…

2. tapos, sa hindi namin malamang kadahilanan, nung yung isang sister din, ang sabi (parang ganito :-D) paabot ako ng cheese ring, hehehheh…ang ligalig, nyahhaha. Sabi na ngang onion rings, ano ba, hehhehe…

3. siyempre, hindi nagpatalo yung isa… may moment din, hehehe…. Ang tanong… kaninong mash brown ito??? (mash potato sa marry brown? Shortcut, nyahahah)

ayan e nung miyerkules pa lang ha… kungdi ba naman talagang full of katatawanan talaga ang nakahanda sa amin.

Eniweis, fastforward ako sa mga nakakatawang pangyayari nung Friday…

4. ang palitan ng aming salita ni sister:
Sis : kelan ang mahal na araw?
Ako : ang alam ko, palm Sunday sa april 1…
Sis : e kelan yung maundy Thursday (tama ba spelling?) at good Friday.
Ako : kelan nga ba. Kase easter Sunday, april 8.
Sis : ganun, so kelan nga.
Ako : basta malapit na dun. Bilangin mo na lang. Teka, wala kayong pasok sa easter Sunday di ba?
Sis : oo… pero Sunday ba papatak ang easter Sunday?
Ako : nyahahhahahah…..

5. heto, kuwento lang sa akin. Yung isang ka-officemate ni sis… sabi (something like this): uy may dust storm…. (gets niyo?)

6. si officemate ulit: ang traffic…. Turtleneck kase… nyahhahaha…. Damit ba ito?? Gets niyo ulit?

7. Tapos na ang aming pray over. Super prepare sana kame para nga sa keyk ni birthday girl. Heto na, ask ni facilitator kay prayer partner. Paano gagawin natin sa cake? Prayer partner: blah blah blah. Facilitator: teka lang asan na yung kandila? Prayer partner: e di gamitin na lang natin yung kandila na andun. Facilitator: alin? Asan na ba? Yung tail light? Prayer partner: (gusto ng tumambling kakatawa)… (wish ko lang naisip niyo kung ano ibig niyang sabihin di ba, hahahaha)

8. Heto na… tapos na ang program… mega-announce ang team leader: facilitators, may meeting tayo bukas (pause). Reminder facilitators, may meeting tayo bukas (pause ulit). Facilitators ha, may meeting tayo bukas. Sabi ng isang ‘pasaway’ na facilitator (in his face, at kakatapos pa lang ng pang-nth na reminder): May meeting tayo ngayon? Hehehehe… ‘pasaway’ talaga di ba…. Walang nagawa si team leader kahit parang gusto niyang saktan si facilitator (bakit kamo… tanong mo na lang kay facilitator, hehehehe)

9. Nung uwian na, siyempre, dahil may celebration nga, super punta kame sa paborito naming puntahan, sa rigga… (buti na lang, naiba-iba ang pinuntahan namin, hindi na pizza hut… pizza company na, nyahhaha)… Oorder na daw, ang tanong ng isang ka-sis… ano ba masarap dito bro… sagot ang bro… ayan tingnan mo sa brochure… har har har… pasapak talaga.

10. E super dami nga namin di ba… mga 5, hehehhe.. joke lang… as in long table… nagtatalo-talo kung ano ang order… nagsalita yung isang sis… umorder na rin tayo para dun sa mga hahabol… e may sumagot, hindi natin alam kung ano ang order nila. May sumagot pa, basta kame umorder na kame ng gusto namin… ang side comment naman nung isa… e tatlo na ngang pizza yung inorder ni bro… ang tanong… tatlo ba inorder mo bro???? sagot si sis… oo… chicken trio e… hahahahha…. Parang gusto na namang manakit ni bro, kaya lang, hindi talaga niya pedeng saktan si sis e, heheheh…. Pinaliwanag na lang niya, na ang chicken trio e isa lang at flavor yun, har har har.

11. Super tingin sa invitation ng kasal habang naghihintay… e may nabasang bagong word… parang wrong spelling… siyempre, I-comment sa mga ikakasal…habang naghahanap… tanong… tanong… saan ba… sagot ang isang ka-sis…. Dun sa may flower boy…. Huh… flower boy???? Meron ba nun????

O hayan muna… hindi ko na matandaan yung iba e… dagdagan mo na lang :-D

Created with ShoutPost