Skip to: Site menu | Main content

Offismate, sister, angel

2007-03-14

ayan ha, para may contribution naman na ako dito. Heto na ang mga naipon kong bloopers (isama pa ang mga naikuwento sa akin, hehehe).

Seven seasons

Habang kumakain kame ng lunch dito sa ofis, heto ang eksena. Sige, kuwentuhan to the max, hala, kuwento, blah blah blah… hanggang sa malapit ng matapos. Hayun, siyempre, kelangan uminom di ba. Heto ang palitan ng mga salita.

Officemate 1: uy, ano yang iniinom mo, seven seasons?

Si officemate 2, officemate 3, officemate 4 (kasama nga ba siya?), pinagmasdan ang bote ng juice.

Ako: anong seven seasons? Di ba four seasons lang, sabay halakhak, hehehe….

Reaction nina officemate 2, 3, 4…. Binibilang ko nga yung prutas kung pito nga e, nyahahhaha… ang kulit di ba…

Pinas to Dubai to Abu Dhabi

Si sister (na nasa Dubai), kausap si mother (na nasa Pinas) niya .

Sister: oo nga po e. malilipat na ako ng abu dhabi.

Mother: naku anak, e di malalayo ka na sa akin.

Sister: ano ka ba, e malayo naman talaga ako sa iyo. Kahit naman andito ako sa Dubai, di ba, malayo naman talaga ako sa Pinas.

Har har har… ang kulit ni mother.

2 Hors (sensya, nauna na akong magkuwento, hehehehe)

tinuruan ni kapatid ang kanyang pamangkin ng tungkol sa pagdadagdag ng ‘s’ kapag plural ang isang bagay. Heto na po, may pinuntahan ang pamangkin at ang lola. Nakakita ng 2 kabayo si pamangkin, ang palitan ng mga salita:

Pamangkin (apo): uy, 2 hors
Lola: bakit hors e 2 nga di ba. Dapat, horses.
Pamangkin (apo): hindi po. Kase kapag isa lang, hor, kaya kapag 2 or madami, hors na.
Lola: hindi nga ganun. dapat dadagdagan mo pa ng ‘s’.
Pamangkin (apo): e bakit sabi ni tita. Kapag cat – cats, dog – dogs… kaya ang hor – horse….

Nyahahhaha… paano ka ba makikipagtalo sa bata kapag ginamitan ka na ng logic, nyahhahaha…

O siya, hayan na lang muna at wala na akong maalala, heheheh… sa susunod ulit yung iba pa, hhahahahha…

Ingat. God bless!!!

velvet vanity (2007-03-14)
Hu?

Created with ShoutPost