Skip to: Site menu | Main content

Moments with Kaibigan

2007-08-15

Dahil nabibida na naman si Kaibigan sa mundo ng blog ko, maaari ko bang palagpasin ang pagkakataong ito na ibida ko rin sya sa BloOpErz! Aba, kunin na natin ang pagkakataong i-blooperz sya habang hindi pa sya makakapalag.. dahil gaya ng nasabi ko sa blog na ito, huli na ang lahat bago pa man sya makapalag dahil nabasa na ng sambayanan ang kwento tungkol sa kanya.

Unang Moments - Moments No. 1

Dumating si Kaibigan, nagkwekwento tungkol sa kanya pagkadapa sa may Parking Lot.

Kaibigan: Aba! Sa kamamadali ko tuloy nadapa ako. Kwento.. kwento.. kwento..

Dahil gabi iyon at araw ng isa ko pang kaibigan, hindi ko ito masyadong naintindihan ang kwento.. kaya dumaan ang ilang araw..

Kaibigan:          Ang sakit pa rin ng tuhod ko.

Ako:                 Bakit

Kaibigan:          Kasi nga di ba, nadapa ako noong isang araw.

Ako:                 Eh bakit ka nga ba nadapa?

Kaibigan:          Eh kasi nga, sumabit ung paa ko don sa bakal dyan sa may parking lot.

Ako:                 Ano un, pauwi ka na non?

Kaibigan            Eh un nga ung masama eh, paalis pa lang ako nung madapa ako.

Ako:                 Ano, plakda ka?

Kaibigan:          Oo kaya.

Ako:                 Ung ano, parang ano.. (iniisip ko pa kung paano ko idedescribe ung kanyang pagkadapa ng sabihin nyang..)

Kaibigan:          Oo ung 4 na paa na nakadapa.

Di ko napigilan ang aking tawa nung sagutin ako ni kaibigan ng ganon at doon nya lang na-realize kung anong sinabi nya.

Kaibigan:          Sabi ko ba, 4 na paa?

Ako:                 (Natatawang sumagot ng Oo)

Kaibigan:          (Sabay sabi ng ...) Ai, hay**..

Ako:                 ikaw nagsabi nyan ha, hindi ako.

At tumawa na lang kami ng tumawa.

Sa mga hindi nakaka-relate, idedescribe ko kung bakit ganon na lang ang tawa naming ni Kaibigan Maliit na babae kasi si Kaibigan, maganda, mataba, este, chubby na pala sya ngayon, tapos sasabihin nyang 4 na paa, kayo, anong maiisip nyo? Di ba kayo matatawa?

Moments No. 2

Gabi at paalis na si Kaibigan ng sabihin sa aming mag-asawang "Huwag kayong matutulog ng maaga ha.. Hintayin nyo ako". Sabay sagot naman ng asawa ko ng "Kapag patay na ang ilaw at sarado na ang pinto, ibig sabihin non, tulog na kami.." "Okay", sagot ni Kaibigan.

Pasado alas-dose na ng madaling araw ng may biglang kumatok at lumagabog sa labas ng pinto. Pagsilip ko, si Kaibigan pala, nagbounce back sa pintuan namin. Pano ba naman kasi pagkakatok nya, bigla syang bukas ng pinto, kaya ayun ang nangyari.

Katwiran ni Kaibigan, "Bukas naman ang ilaw eh, kaya alam kong gising pa kayo!"

Eh sarado naman kaya ang pinto.. diba sabi mo, kapag negative plus positive is equal to negative??? Gamitan daw ba ng logic??? Hehehe..

Moments No. 3

Malalim na ang gabi, at patulog na kami ng aking asawa ng may marinig ako ng kung ano.

Ako:     G, sa atin ba un?

G:         Oo, si Kaibigan un.

Ako:     Si Kaibigan ba un? Hindi. Kasi kung si Kaibigan un, kakatok un at magpaparamdam.

Matagal kaming nanahimik ng asawa ko.. Akala ko, nakatulog na sya at ako naman eh pinakikiramdaman ko kung sino talaga ang nagmamay-ari ng boses na un nang may biglang.. "MAY KANIN PA BA?!?!?" at sabay kaming nagsabi ng asawa ko ng "Si Kaibigan nga un.."

  

O di ba?? Ang saya!!! Dalawa pala kaming nakikiramdam sa boses ni Kaibigan.. hehehe..

Moments - No. 4

Dahil sa may bago kaming sofa, medyo sumikip ng konti ang aming hall way. Di naman sya pahirap sa amin bagkus nakatulong pa nga ng maganda, maliban na lang kay Kaibigan..

Kaibigan:          Ano ba ito?! Nasa puzzle ba ako? (Galing syang kusina papunta sa kwarto nila)

Ako:                 (Nasa loob ng kwarto nila at nanonood ng Slam Dunk) Ano ka Hamster?

Kaibigan:          Ai lintek! Ginawa mo pa akong hayop.

Ako:                 Buti nga hamster eh, gusto mo ba baboy?

Kaibigan:          Hindi. Gusto ko guinea pig. Teka, eh baboy pa rin un eh. Kasi may pig! Waaaahhh!!!

Ako:                 Hamster na nga lang ang sinabi ko, ginusto mo pang maging baboy.

Ang kulitz namin ni Kaibigan no???

Huling Moments with Kaibigan...

Moments No. 5

Dahil nga sa sinakrifays ni Kaibigan ang pag-bla-blog para sa success ng Discovery Weekend na hahawakan nya, eto ang iilang epekto ng hindi nya pag-bla-blog.

Una, marami syang kwentong kakatawa na sinasaisip nya lang. Hndi sya pedeng magsulat ng blog, magbasa at kahit ang pagdra-draft at tumingin lang saglit eh talagang HANDS OFF at IWAS..

Pangalawa, napag-kakaisahan ko na sya sa mga blogs ko ng walang kalaban laban, magreact man sya, burahin man nya ang mga kwento, wala ng dahilan dahil nabasa na ng madla ang blog ko tungkol sa kanya.

Pangatlo, marami na syang nami-miss na kwento.

Pero ang pamatay sa Moments No. 5, eto..

Kaibigan:          (Ipinagmamalaki sa kanyang mga roommates, kwento.. kwento.. kwento..) Marami rami na rin akong maibla-blog..

Ako:                 (Nasa kabilang kwarto ng marinig ang sinabi sabay sigaw ng..) Kaibigan!!!

At aba, hindi ako nilapitan kaya ang ginawa ko lumabas ako at nakipagkwentuhan.. syempre, kinamusta ko muna sya sabay tanong ng kwento nya sa kabilang kwarto. Pero ang totoo, hindi ako doon naka-look after, hinihintay kong sabihin nya ang tungkol sa pagbla-blog, ang kaso, natapos na ang pagkwe-kwento, di pa rin nya binaggit ang tungkol doon kaya ang kinalabasan, ako na ang nag-open.

Ako:                 May narinig ako kanina na sinabi mo.

Kaibigan:          Ano?

Ako:                 Sabi mo, madami dami ka ng maibla-blog..

Kaibigan:          Oo nga. Dami ko ng kwento eh..

Ako:                 Hndi ako naniniwala..

Kaibigan:          Bakit naman?

Ako:                 Kasi sa araw na magbla-blog ka na, nakalimutan mo na lahat ng kwentong ikwe-kwento mo.

Kaibigan:          Ang yabang mo!!!

Para po sa hindi po nakaka-relate, ang dahilan ko po kung bakit kop o sinabi un ay dahil may short term memory po si Kaibigan, pero madalas po, PILI lang po ang mga pangyayaring naaalala nya, pero sa PILI na un, ung iba pa doon, makakalimutan nya, kaya ganon na lang po ang sabi ko sa kanya..

Unahan ko na rin po sya sa pagblo-blog ng kwento naipon nya ha.. alam ko rin po kc kung pano nya gagawin un, nga lang, hindi ko alam kung anong pamagat non, pero basta! Ganito po tatakbo ang kwento ng blog nya. (isipin nyo na lang po na ako si Kaibigan ha..)

Dahil sa matagal tagal na rin akong hindi nakakapag-blog, marami rami na rin po ang kwento ko.. Gaya nito...

At eto...

Tapos eto pa...

At eto pa...

Ang iba pang mga kwento ko ay matutunghayan dito, dito at dito.

Hehehe.. Kaya puro space ang nakikita nyo sa blog na gagagwin nya, un eh dahil nakalimutan na nya ang kwento, tapos banding huli, i-lilink na lang nya kung kani-kanino. Hehehe.. PEACE KAIBIGAN! Labshu!! Una-unahan lang yan :D

Created with ShoutPost