Skip to: Site menu | Main content

Financial Stewardship Teaching at General Assembly

2007-08-04

Ang Laminator

Habang nakikinig si Sis ng teachings, lumapit si Bro at humingi ng tulong kay Sis na ilaminate ang mga ids ng mga members na wala pang ids.

Syempre, dahil cooperative naman si Sis, tinulungan ni Sis si Bro. Natapos ang paglalamenate at umalis na si Bro.

Maya maya ulit, si Bro, lumalapit:

Bro:      Sis, palaminate ulit nito. 2 Id lang

Sis:       Ok

Mahigit 10 minutes na ang lumilipas, ang nilalaminate na id eh hindi pa rin nalalaminate.

Bro:      Sis, ang tagal naman nyan!

Sis:       Eh bro, di pa nagdidikit ung plastic eh.

Lumipas ulit ang 5 minutes..

Bro:      Ang tagal..

Sis:       Teka! Di pa nga nagdidikit eh..

Maya maya ng konti, lumapit ang isang sis para makipag kwentuhan.. Nagkwentuhan ang dalawang sis hanggang nakahalata ang isang sis na kanina pa nya pinadadaan sa laminator ang mga id eh hindi pa rin ito nagdikit. Sabi nga ni Jewel, wala naman daw masama kung magtatanong kaya nagtanong si Sis.

Sis:       Sis2, bakit ganito ‘tong laminator? Ayaw magdikit nung plastic at saka, hindi umiinit.

Sis2:     Naka-on ba?

Sis:       Oo.

Ininspection ni Sis 2 ang laminator, hanggang sa ...

Sis2:     Pano iinit yan eh nilagay mo sa cold!

Sis:       Ha? Sori, sori, sori kala ko on and off lang meron jan! Cold Off and Hot pala yan.. Sori di nag babasa!

Kaya si Bro, inasar si Sis pero syempre patatalo ba si Sis: "Haller! Nagpatulong ka kaya sa akin kasi di ka rin marunong gumamit nito!". Hehehe.. maglaglagan daw ba!?!

Ang speaker at ang nasusunog

Habang dumadaldal ang speaker, naglalaminate naman ang dalawang pasaway na members sa harapan. Ang hindi alam ng dalawang members napasaway, eto pa lang si speaker eh kanina pa umaamoy. Nanghindi makatiis si Speaker humarap ito sa dalawang pasaway at bumulong:

Speaker:           Hanapin nyo ung nasusunog! Dali! Di nyo ba naaamoy un?

Sis Pasaway:    Tito, eto lang pong laminator un! Naglalaminate lang po kami ng id plastic po kasi kaya akala nyo po nasusunog. Wag po kayong mag-alala.

Uuy,, si Tito, ayaw pa-obvious na natataranta...

Pizza Company

Matapos ang Financial Stewardship Teaching, inanyayahan ang buong chapter na pumunta sa fellowship na gaganapin sa Pizza Company.

Sa loob ng Pizza Company:

Bro:      Uy! Wag nyong pagsamasamahin ang mga lalake at babae.

Sis:       Bakit? Para makapagkilanlan sila?

Bro:      Hindi. Kasi kapag nagsama sama ang babae at lalake, lugi ang mga lalake, doon pa lang sa unahan di na aabot dito ung pagkain, pano parang dumaan lang dito ang pagkain!

Nyaahahaha... akala ko pa naman, concern si Bro sa mga magaganap during fellowship, hindi pala! Concern pala sya sa food.

U - MOR

Nag-uusap ang dalawang magtatay sa harap ng mga miyembrong nakikinig. Pinag-uusapan, mga translation ng tagalong words sa visaya, hanggang sa nag- a-asaran na kasama ang mga miyembro.

Anak:   Unit Leader ka pa naman! Dapat good model ka! Hindi ka dapat nagsisinungaling! Wag mong dungisan ang imahe ng SFC dahil sa maling kwento mo! (with visayan accent!)

Sis:       Bro, in English, in English.

Anak:   You are a Unite Leader! You should be a good model and not a liar! Don't put bad image to SFC Community because of your bad U-MOR!!!

Tatay:   Anak, RUMOR hindi U-MOR ano yan silent R??

Sis:       Dong! Magbisaya ka na lang dong o kaya much better dong don't talk na lang! Keep quiet! Pinagmamalaki pa naman kita!

Ayos!!! Laglagan! Ang saya. Take note pala, si Sis, kababayan din ni anak, isa ring visayan.

Created with ShoutPost