Skip to: Site menu | Main content

Thursday Kasiyahan, Friday Kalokohan!

2007-07-15

ORANGE MIRINIDA

Since dahil di nga kami prepared for the surprise, di na namin masyadong ipinagpatuloy ni Lei ang plano. Kaya ang labas, tamang inuman na lang at kwentuhan na lang ang napag-usapan at dahil "Tequila" ang iinomin, nagpabili si kaibigan kay isa pang kaibigan.

Kaibigan 1:        Kaibigan 2! Nasan ka na?

Kaibigan 2:        Nandito na ako sa may Islamic Bank. Bakit?

Kaibigan 1:        Ah ganon ba? Magpapabili sana ako sayo eh.

Kaibigan 2:        Nang ano?

Kaibigan 1:        Nang keso, orange at yelo.

Kaibigan 2:        Ah.. Pano un?

Kaibigan 1:        Don ka na lang bumili kay my friend.

Kaibigan 2:        O sige, pero tingnan ko kung kasya pera ko.

Kaibigan 1:        Order ka nalang don, tapos padeliver na lang dito sa bahay.

Kaibigan 2:        Ano nga ulit ung bibilhin?

Kaibigan 1:        Keso, yelo, orange

Kaibigan 2:        Eh coke kaibigan?

Kaibigan 1:        Eh mag-ju-juice na lang daw pero ikaw bahala ka, kung gusto nyo

Kaibigan 2:        O sige daan ako

Kaibigan 1:        Mahalaga ung keso don ha

Kaibigan 2:        oo

Dumating si Kaibigan 2 sa bahay pero keso lang ang hinanap ni Kaibigan 1 dahil mamaya pa naman gagamitin ang ibang pinabili. Nang dumating na ang tamang oras, hinanap ni Kaibigan 3 ang pinabili ni Kaibigan 1.

Kaibigan 3:        Kaibigan 1, nakabili ba ng orange?

Kaibigan 1:        Oo, nagpabili na ako kay Kaibigan 2.

Kaibigan 2:        Kaibigan 1, eto ung orange na pinabili mo

Nang makita ni kaibigan 1 ang pinabili na orange, humalakhak ito ng malakas!

Kaibigan 1:        Bakit yan ang binili mo?

Kaibigan 2:        Sabi mo orange?

Kaibigan 1:        Oo nga orange. Orange na prutas hindi mirinda orange! Di ko naman sinabing mirinda orange o softdrink ang bilhin mo eh, kaya nga orange ang sinabi ko.. (at patuloy pa rin sa paghalakhak)

Sabi nga ni kaibigan 4, kasalanan din daw ni kaibigan 1 kasi di daw nililinaw. Wahehehe.. pasaway!! :D Kailangan pala pagnagpabili ulit kay kaibigan 2 sasabihin mo kung kinakain ba ito o iniinom o ginagamit sa kung saan saan. Hehehe...

  

- ANG IKOT SA KANAN -

Dahil isa lang ang nahanda naming laro, nag-isip si kaibigan 1 kung anong pedeng pagkaabalahan ng housemates!

Kaibigan 3:        Kaibigan 1, isip ka naman nang pwede nating pagkalibangan.

Kaibigan 1:        O sige. (nag-isip). Eto, masyado itong bago kaya walang nakakaalam nito.

Ang lahat nakatingin kay Kaibigan 1.

Kaibigan 1:        Ang getting to know each other.

Lahat nagreact! Samut saring reaction ang naririnig sa paligid.

Kaibigan 1:        Pero hindi tayo ang magpapakilala. Example, si Bro E, since nasa kanan nya si Kaibigan 2, sasabihin nya ung first impression nya kay Kaibigan 2, tapos sasabihin nya kung totoo nga un o hindi.

Bro D:               So, pagkakataon na pala naming mang-okray nyan!

Kaibigan 1:        Oo. Pero bago tayo magsimula, ito'y pawing katuwaan lang ha, walang pikunan. Since ikaw ang unang tumagay Bro E, ikaw ang unang nakasalang.

Bro E:               Pede bang si Bro A na ang magsimula?

Bro A:               Sayo nga daw magsisimula eh.

Kaibigan 1:        Ok sige pakaliwa na lang tayo, Bro E, anong first impression mo kay Bro A?

Kaibigan 2:         Kaibigan! Ayoko ng pakaliwa!

Lahat nagtawanan kasi ba naman si Bro D ang mang-ookray kay Kaibigan 2 kaya natatakot si Kaibigan 2 na ma-okray ni Bro D.

Kaibigan 1:        Ano ba? Magsisimula ba tayo o magsisimula? Sige na Bro E, simulan mo na.

Bro E:               (Magsasalita na ng may nagtanong kung sa anong direksyon iikot ang laro)

Kaibigan 3:        (naiinip na ata!) Ano ba! Ayan na nga eh, magsasalita na nga eh. Sinabi na ngang pa-kanan eh, nakikinig ba kayo? Sige na Bro E okrayin mo na si Bro A.

Huh?? Ano daw??? Bakit si Bro A ang ookrayin ni Bro E, eh si Kaibigan 2 ang nasa kanan ni Bro E. Waaahahaha!!! Wala ring sense of direction ito! Masyado kasing nagdididikit eh kaya nagkakahawaan!! Wahahehehe..

  

  

-|- SI MODESH -|-

Kinabukasan, Friday, namasyal sa Citicenter ang dalawang magkasintahan. Habang naglalakad sa kahabaan ng Citicenter ang dalawa, nakita ni babae si Modesh!

Babae:  Ay!!! May modesh na stuff toy. Eeww! Ang pangit pala ni modesh pag stuff toy.

Lalake: (nagtataka dahil kapag nakakakita ng stuff toy na modesh si babae, eh cute na cute ito   at giliw na giliw na parang bata, kaya nang marinig nya iyo, eh di sya makapaniwala.)

Babae:  Tingnan mo o! Para syang natipus!

Lalake: (Tumingin sa tinuro ni Babae, sabay tawa at sabi ng..) Stuff Stoy ha??? Mascot kaya yan!

Toink!!! Kakahiya!!! Kagandang babae, nagkamali ng sinabi! Ahihihi..

Eto na lang muna ang ibabahagi ko kasi eto lang ung mga pangyayaring natatandaan ko noong mga panahon na iyon. Ang ibang kaganapan ay ipagpapatuloy na lang ng aking pakner kaya inyong antabayanan.

Created with ShoutPost