Skip to: Site menu | Main content

Matawa ka kaya?!?!

2007-07-04

Matagal tagal na rin akong hindi nakakapag-kwento ng kalokohan sa blog na ito. Karamihan kasi ng kakatawang naganap sa buhay ko ngayon, eh baka hindi kayo maka-relate dahil sa madalas sa mundo ng kakabalaghan nangyayari ang lahat ng ito. Gayun pa man, ikwe-kwento ko pa rin kasi malay nyo, maka-relate kayo. (Mahaba-haba poi to, so please bear with me..)

Ang Here I am to Worship na I Give My All..

Noong isang araw, naimbitahan akong kumanta pra sa Tongues Workshop ng Chapter 3 na ginanap sa Lotus Hotel.

Bago magsimula, inanyayahan ang lahat ng Facilitators na kumanta kasabay ng Music Ministry. Okay Fine.. Kanta, kanta, kanta!!! Hanggang sa i-announce ni Bro. ang susunod na kakantahin, ang "Here I am to Worship".

Nang sinimulan ni Bro. ang pagtugtog at papasok na ang music min sa pagkanta, may 2 Facilitator na nanguna at sadyang napakalakas ng boses! Natigil ang lahat at napatingin sa kanila. Kahit nga si Bro. na tumutugtog nagulat rin at naguluhan dahil baka mali ang kanyang tinutugtog.

Imaginin nyo na lang na ang simulang lyrics ng kanta na HERE I AM TO WORSHIP eh "Light of the world, You stepped down into darkness" ay naging "Bless my life, take away the shame" na simulang lyrics ng I GIVE MY ALL. At isipin nyo rin na ung dalawang sis na pasaway eh malakas nilang kinanta ung maling kanta with feelings pa un ha take note! Kaya ang lahat ng tao na nasa loob ng kwartong iyon, iisa ang mga naging reaction.

Ang kwento sa likod ng kwentong Here I am to Worship na I Give My All

Dahil nga inanyayahan naming kumanta ang mga Facilitators ng gabing iyon, ang tatlong sisters ay naging feel na feel ang pagkanta. Sis 1 ay nagsesecond voice para kay Sis 2 na kinainggitan ni Sis 3, which is si Sis 3 ay isa ring music min member noon.

Sis 3:    Ako din, magsesecond voice!

Sis 1:    O cge mamaya, dalawa tayo.

Bro: (Nag-aanounce ng kakantahin)

Sis 3:    Ano ung Here I am to Worship?

Sis 1:    Hindi ko alam. Pakinggan na lang natin ung tugtog.

Bro: (Sinimulan na ang pagtugtog)

Sis 1:    Ang yan yun Bless my life.

Sis 3:    Ahh.. oo nga alam ko un hindi ko lang alam ung title.

Kaya nung papasok na sa pagkanta ang music min, ang dalawang sis, ayun, kinanta ng buong puso ang maling kanta... Foot in mouth  **toink**

 LAST DAY

Magkasabay na pumasok ang dalawang magkasambahay, si Sis E at si Sis J. Habang naglalakad, nagkwekwentuhan ang dalawa nang biglang magtanong si Sis J kay Sis E.

Sis J:    Sis E, naalala mo ba ung kinukwento kong kasamahan ko sa trabaho na nauna lang sa akin ng 2 weeks at nagpunta na sya sa spain?

Sis E:    Hindi ko matandaan. Bakit?

Sis J:    Kasi bago umalis un na-confine ung tatay nya. Sabi ko nga sa kanya dapat wag na sya malis kasi nga nasa ospital ung tatay nya.

Sis E:    (Nakikinig)

Sis J:    Alam mo ba nung last day namatay ung tatay nya.

Sis E:    Ai ganon? Tumuloy pa rin sya?

Sis J:    Oo nga di ba nasa Spain sya ngayon, ayaw nga syang pauwiin ng ate nya eh. Kawawa ga kasi mugto ang mata.

Sis E:    (Naguguluhan) Ha? Bakit naman?

Sis J:    Kasi nga namatay ung tatay nya nung last day.

Sis E:    Anong last day?

Sis J:    Nung last day namatay ung tatay nya. Nag-email kasi sa akin kaibigan ko kahapon, yun nga namatay daw yung tatay nya nung isang araw.

Sis E:    (Hindi nakapagpigil) Anong last day?!? The other day! Ano ka ba?!

Sis J:    Last day un!

Sis E:    The other day nga yun! Bahala ka nga!

Matapos ang pagkorek ni Sis E, Sis J - hindi na nagsalita. Nahiya na ata kay Sis E dahil sa pagkorek nya. Hehehe. (Bad Sis E, Bad! Tongue out)

Last Day, Last Night

Dahil sa nakokonsensya si Sis E, naisipan nyang tawagan ang isa sa mga malapit nyang kaibigan para magtanong kung salbahe nga sya sa ginawa nya kay Sis J.

Sis E:    Sis G, may tatanong ako!

Sis G:   Ano un?

Sis E:    Salbahe ba ako?

Sis G:   (hindi sumagot)

Sis E:    uy!

Sis G:   Sige nakikinig ako!

Sis E:    Wala ka kasing ka-rea-reaction eh.

Sis G:   Dapat ba may reaction na agad?

** Kulitz ** syempre, si Sis E, nagkwento na.. Natapos ang kwento, nagreact na si Sis G.

Sis G:   Last day... kung may last night, iisipin mo ung last day is yesterday.

Sis E:    Pero hindi naman natin ginagamit ang last day as yesterday eh. Kung kahapon un, dapat ang ginamit nya yesterday. Kaso kahit na yesterday un mali pa rin eh. Isa pa, nung isang araw pa un nangyari, kaya dapat the other day.

Sis G:   Oo nga. Mali nga ung sinabi nya! Ewan ko ba! Kasi di  ba pag sinabi mong last night, kagabi un? Eh bakit pag last day, huling araw? Ang labo?! May last night pero walang last day!

Igaya daw ba sa Best, Better and Good??? Hehehe.. LaughingFoot in mouthTongue out

Created with ShoutPost