[BLoOpErS]
KaLoKohan aT KatAtawAnan Ng mGa TaOng NakaPaliGid Sa AminBest Before, better before and good before
2007-06-13
May isang sis, alam niya na mahilig kase ako sa dark chocolate. at dahil merong nagbigay sa kanya, super share siya ng blessings niya...Eh eto palang si sis2, mahilig din sa black chocolate, hayun, imbes na walong packs ng chocolate ang mapunta sa akin, hinatian ko siya... dapat hating kapatid, lima sa akin, 3 sa kanya, e hindi siya pumayag, kaya ayun, nag-tig-apat kame.
Siyempre pa, dahil favorite ko nga ang black chocolate, inu-unti-unti ko siyang kainin... Unang araw, 1 lang ang baon ko.. pangalawang araw, 1 lang ulit...
Pagdating ko nung hapon, nakita ko, isa na lang ang natitira... aba at may kumain... pero sige, ok lang, hindi naman ako masyadong madamot, kase may isa pa rin namang natitira sa akin e, heheheh.. kaya ayos na lang...
Pagpasok ni sis2 sa kuwarto, hayan na, sabi niya, expired na daw yung chocolate...
Hala... super tingin naman sa expiration date... at napatunayan nga, nakalagay dun, best before (date).... sabi ko pa, ok lang, kahit expired, may three months pa naman, hehehehe. kaua lang nung binilang ko na, hala, super expired na siya...
Kinabukasan ng gabi, yun pa rin ang topic... kase si bro pala, kumain din... ayun, napag-usapan lang... best before nga daw... tapos kesyo kaya pala, blah blah blah....
Ang punchline... bakit may best before??? kapag natapos na ba yung best before, better before naman? tapos nung better before, good before ang kasunod??? so pede pa rin yung mga ganung expired na????
Bwahahhahahaha... ang kulit di ba.. naikuwento lang naman ^_^
crazylady (2007-06-13)
good better best never let it rest till the good is better and the better is best.
[ Back to top ]
Created with ShoutPost